90,000 migrants, solusyon nga ba sa kakulangan ng mga tradie sa Australia?

Kinakailangan ng mas maraming tradesperson ang pagtatayo ng bahay sa Australia pero saan makukuha ang mga manggagawa.

A partially built home under construction.

If the federal government's goal of 1.2 million homes being built in Australia by 2029 is to be met, more construction workers will be needed. Some say migrant workers are the answer. Source: Getty / jandrielombard

Key Points
  • Aabot sa 43,000 ang bagong mga bahay o property na itinatayo sa Australia kada quarter.
  • Sinabi ng pederal na gobyerno na may 1.2 milyong mga bagong bahay ang makukumpleto sa 2029.
  • Ayon sa BuildSkills Australia, nangangailangan ng 90,000 na mga manggagawa para makamit ang target sa susunod na tatlong buwan.
Ayon sa pangunahing kinatawan ng industriya ng konstruksiyon, kailangan pagtuunan ng pansin ng Australia ang mga manggagawang migrante o manggagaling sa ibang bansa upang tugunan ang matagal nang kakulangan sa mga tradesperson.

Batay sa Build Skills Australia, kailangan ang karagdagang 90,000 manggagawa sa konstruksiyon sa susunod na tatlong buwan para matugunan ng pamahalaan ang kanilang layunin na magkaroon ng 1.2 milyong bagong bahay o property sa taong 2029.
Sinabi ni Robert Sobyra mula sa BuildSkills Australia na bagaman ang mga bagong tirahan ay itinatayo sa 43,000 kada quarter, kailangan itayo ang 60,000 simula sa unang quarter ng financial year upang matugunan ang layunin ng pamahalaan.

Sinabi ng pinuno ng Master Builders Australia na si Denita Wawn na ang mga numerong iyon ay imposible sa kasalukuyang sitwasyon.

Iginiit nitong dapat na may kailangan pang gawin upang makakuha ng mga manggagawa sa industriya nang long term o pangmatagalan, lalo na ang mga kababaihan.

At sa short term naman, sinabi ni Wawn na dapat tignan ng Australia na kumuha sa ibang bansa.
"We need to be looking at migration solutions and particularly quick migration solutions around, how are we using effectively our free trade agreements?" sabi ni Wawn.

"Also recognising this is not an Australian-specific problem, this is a worldwide problem, and we're seeing poaching occurring at a rapid rate, particularly between English-speaking Western democracies.

"The issue then is, how do we attract people from a wider base, ?"

Dagdag ni Wawn na maraming manggagawa muka sa ibang bansa na may construction skills ay mas karaniwang pinipili ang Canada kaysa Australia.

"Countries like Canada, which are comparable in lifestyle and facing a similar workforce shortage, are more enticing options because they allow simple work permits in building and construction, as well as a more direct route to permanent residency even without a job offer prior to emigrating."
Woman bricklayer preparing laying bricks on wall
Experts have called for more women and migrants to work in construction in order to boost overall productivity. Source: Getty / JulieanneBirch
Sinabi din nitong kadalasang “mahal” at “masyadong magulo” ang pagproseso ng mga foreign workers na makilala ang kanilang lisensya sa Australia.

"To grow and reskill our workforce domestically will take time and in the short term, to increase the sector’s capacity, further reforms to the migration system are needed, including reducing application fees, better recognition of overseas trade qualifications, and lowering English language test requirements."

Ayon kay Wawn, ang Master Builders ay nakikipagtulungan sa pederal na gobyerno sa isyu ng kakulangan ng manggagawa sa building and construction workforce.

"This challenge has been decades in the making and will need cooperation and reform at a federal, state and territory government level," she said.

Kailangan anya ng iba pang solusyon sa ngayon ayon kay Wawn.

"We've got to focus on those who are currently in the country, but their skills aren't recognised," wika nito.

"Easier access to English language education and accessible coaching for migrants to navigate the system will help, in addition to subsidising the cost of filling skills or qualifications gaps that might exist between a migrant's home qualification and Australian requirements."

Ang mga panawagan na ito ay sa gitna pagbawas ng pederal na gobyerno sa net overseas migration sa pag-overhaul ng sistema.
Si Sobyra ay ang executive director ng research and planning para sa Build Skills Australia, na isang industry-owned organisation na itinayo ng pederal na gobyerno upang makipag-ugnayan sa industriya upang masolusyunan ang mga hamon sa pwersa ng manggagawa sa construction industry.

Sinabi nitong ang "saktong bilang ng mga migrante" na papuntahin sa Australia ay hindi ang pangunahing isyu na kailangang tugunan para mas maayos na masuportahan ang construction industry, kung hindi ang pagtuon sa "composition ng mga migration profile".

"The issue is, at the moment under current migration settings only about 3 per cent of migrants can actually work in the building and construction industry, and we need that percentage to be far higher."
A worker in hi-vis clothing at a building site.
BuildSkills Australia says that without more construction workers, it's unlikely the 1.2 million new dwellings by 2029 that the federal government has set as a target will be built. Source: Getty / xavierarnau
Sinabi ni Sobyra na kailangan ng Australia ng mas maraming bihasang manggagawa sa konstruksiyon upang matugunan ang demand.

"We need to be out there really prioritising people who can work in construction, particularly the skilled trades and the engineers, those sort of occupations that have a very high barrier to entry.

"There's not much point in bringing unskilled labour because we can source them from within the local population, but those sort of occupations that need three or four years of training to become qualified, they're the ones that you want to front-load the migration system with."

Sinabi ni Sobyra na ang pagbawas sa kumplikasyon sa proseso ng visa at pagbibigay-priority sa mga kinakailangang manggagawa ay bahagi ng "aktwal na mga pag-uusap sa kasalukuyan sa konteksto ng bagong pambansang estratehiya sa migrasyon".

Nang tanungin tungkol sa usapin, sinabi ni Minister of Housing Julie Collins ang pagtaas ng mga libreng slot sa TAFE, na may layunin na magdala ng mas maraming tao sa mga apprenticeship, at sinabi na patuloy ang paghahanap ng paraan upang matupad ang pangako na 1.2 milyong tirahan.

Sinabi niya na may "tatlong at kalahating bilyong dolyar na handa para sa mga estado at teritoryo upang maghatid sa mga iyon."

"We know we've got a lot of work to do, we've got an ambitious agenda, that's why we're getting on with the job," dagdag ni Collins.

Share
Published 27 March 2024 10:25am
Updated 27 March 2024 10:28am
By Sara Tomevska , Aleisha Orr
Presented by TJ Correa
Source: SBS


Share this with family and friends