Ni-raid ng counter-terrorism police ang ilang kabahayan sa nakalipas na araw matapos ang pananaksak sa isang obispo habang nagbibigay ng sermon sa isang simbahan habang naka-live stream.
Isang serye ng paghahain ng mga search warrant ang isinagawa ng NSW Police sa lungsod noong nakaraang Miyerkules bilang bahagi ng imbestigasyon ng Joint Counter Terrorism Team.
"There is no current threat to public safety and no connection to Anzac Day commemorations," ayon sa pahayag ng pulisya.
Dagdag pa na mas maraming impormasyon ang ibabahagi sa mga susunod na pagkakataon.
Binubuo ang counter-terrorism squad ng mga state at federal police, gayundin ang mga opisyal mula ASIO at NSW Crime Commission.
Ito ay kasunod ng noong gabi ng ika-15 ng Abril.
Ayon sa mga imbestigador, relihiyon ang motibo ng pananaksak kung saan sugatan ang at ang pari na si Isaac Royel bago mahuli ang umatake.
Ilang katao ang inaresto at kinasuhan dahil sa naging riot sa labas ng simabahan matapos ang insidente ng pananaksak.