Pagtataas ng cash rate ng RBA, dagdag-pasakit na naman sa mga mortgage holders

Itinaas ng Reserve Bank of Australia (RBA) ang opisyal na cash rate ng 0.25 percentage points - o 25 basis points - sa 2.6 percent.

A man in glasses and a suit

Reserve Bank of Australia governor Philip Lowe. Homeowners in Australia have seen their mortgage repayments rise dramatically over the past six months as a result of the Reserve Bank increasing the cash rate. Source: AAP / Dan Himbrechts

How much have mortgages gone up since rates started rising?
  • The Reserve Bank of Australia has lifted the official cash rate by 0.25 percentage point
  • It is now sitting at 2.6 per cent.
Ito ang ikaanim na magkakasunod na buwan na itinaas ng bangko sentral ang rate para labanan ang patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa, na pumalo na sa pinakamataas na antas mula pa noong Hulyo 2013.

Sinabi ni RBA governor Philip Lowe noong Martes na malaki na ang itinaas nito sa loob lamang ng maikling panahon.
Sa pahayag nito, sinabi niya na "nagpasya ang board na taasan ang cash rate ng 25 basis points ngayong buwan habang sinusuri nito ang pagtaas ng inflation rate at paglago ng ekonomiya ng bansa sa hinaharap."

Sa ngayon nasa 4.9 per cent ang inflation rate sa bansa - mas mataas pa din sa target ng RBA na 2 hanggang 3 porsyento.

Ayon kay Dr Lowe ang pagtataas ng rate ngayong Martes ay makakatulong para mapababa pa ang inflation at "inaasahang kakailanganin pa rin ito sa mga susunod na panahon."

"Ang karagdagang pagtaas ngayon sa mga rate ng interes ay makakatulong para mabalanse ang demand at supply sa ekonomiya ng bansa. Kinakailangan gawin ito para maibaba pa ang inflation rate."

Ano ang magiging epekto nito sa mga mortgage holders?

Sa ngayon, daan-daang dolyar ang dagdag na binabayaran ngayon ng mga Australyano para sa pagbabayad ng kanilang mortgage kumpara noong nakaraang taon. At dahil tataas pa ito, inaasahang mas lalala pa ang sitwasyon.

Ang opisyal na cash rate ng bansa ay nasa record low na 0.1 porsyento lamang sa pagitan ng Nobyembre 2020 at Mayo ngayong taon, nang magsimula ang una sa isang serye ng magkakasunod na pagtaas.

Ayon sa RateCity website, tinataya na nadagdagan na ng $600 ang binabayarang extra ng mga may utang na $500,000, simula noong Abril.

A graph showing interest rates increasing from 0.1 per cent to 2.35 per cent between February and September 2022.
Interest rate increases so far in 2022. Source: SBS
Apektado din ang borrowing capacity ng mga nagbabalak na bumili ng bahay.

Ayon sa naitala sa RateCity website, bumaba na sa halos 20 porsyento p $134,500 ang borrowing capacity ng mga nagbabalak humiram sa bangko, na epekto ng mga pagtaas ng interest rate.

Share
Published 4 October 2022 4:56pm
Updated 4 October 2022 4:59pm
By Aleisha Orr, Amy Hall
Presented by Roda Masinag
Source: SBS


Share this with family and friends