Presyo ng mga property sa Australia, patuloy na tumataas. Alamin kung magkano ang isinampa ng halaga

Mas mabilis ang pagtaas ng presyo ng mga bahay sa Australia ang unang tatlong buwan ng taong ito kumpara sa bandang dulo ng 2023.

A street with several houses and cars and skyscrapers in the background

Fresh data reveals Australian homes added about $12,000 in value in the first three months of the year, despite the cost-of-living crunch. Source: AAP / Darren England

Key Points
  • Patuloy na tumataas ang presyo ng mga property sa kabila ng pagtaas ng mga presyo at gastusin sa pamumuhay.
  • May dagdag value ang mga bahay sa Australia na $12,000 sa unang tatlong buwan ng taon.
  • Ang halaga ng mga property ngayong taon ay mas mabilis na tumataas kumpara noong 2023.
Patuloy ang pag-akyat ng halaga ng mga property sa Australia kahit may pagtaas sa mga interest rates sa pinakabagong datos na inilabas noong Martes.

Aabot sa $12,000 ang naidagdag na value sa mga property sa Australia sa unang tatlong buwan ng taon, kahit sa kabila ng pag-ipit sa gastusin sa pamumuhay at pagtaas sa mga interes, ayon sa bagong datos.

Ang pinakabagong datos ng CoreLogic, na inilabas noong Martes, ay nagpapakita na mas mabilis na tumaas ang halaga ng mga bahay sa taong ito kumpara sa bilis sa bandang dulo ng 2023.

Gayunpaman, ang 1.6 na porsyentong pagtaas sa tatlong buwan hanggang Marso ay kalahati lamang ng 3.3 porsyentong pagtaas ng presyo kada quarter na nangyayari sa gitna ng 2023.
"Rate hikes, cost of living pressures and worsening housing affordability are all factors that have contributed to softer housing conditions since mid-last year," ayon kay Tim Lawless na research director ng CoreLogic.

"However, an undersupply of housing relative to demand continues to keep upwards pressure on home values despite these headwinds."

Lahat ng malalaking siyudad sa Australia maliban sa Darwin, kung saan bumagsak ang presyo ng 0.2 porsyento, ay nakaranas ng pagtaas sa halaga ng mga bahay noong Marso.

Tumaas ang home value index ng CoreLogic ng $71,832 o 10.2 porsyento mula Enero 2023.

Namamayagpag din ang mga regional housing market, bagaman ang Victoria ay nagkaroon ng 0.3 porsyentong pagbaba sa halaga ng bahay.
Inaasahan na ang mga benta ng bahay sa buong bansa sa nakalipas na tatlong buwan ay 9.5 porsyento na mas mataas kumpara sa unang quarter ng nakaraang taon.

Sa mga paupahan, patuloy na mas mabilis ang pagtaas ng presyo ng mga unit kumpara sa pag-upa ng bahay, ngunit ipinapakita ng pagsusuri ang paunti-unting pagbawas ng agwat sa pagitan ng paglago ng pag-upa ng bahay at unit.

"A rise in rental yields alongside an expectation that housing values could rise and rental markets remain tight for an extended period of time is likely to be seen as an attractive opportunity for property investors," giit ni Lawless.

Gayunpaman, binalaan niya na ang mga mortgage rates na may average na anim na porsyento, ang mga mamumuhunan na bago sa merkado ay maaasahan na magkaroon ng pagkalugi sa kanilang upa maliban na lamang kung sila ay "maglaan ng malaking deposito".

Share
Published 5 April 2024 12:22pm
Source: AAP


Share this with family and friends