LIST: Mga flights mula Australia na mas marami at kaunti ang pasahero

Narito ang listahan ng mga flights na may tsansa kang walang katabi sa eroplano.

A woman walks up the aisle of a plane

Some flights are more likely than others to have empty seats. Source: Getty / MesquitaFMS

Tila isang pangarap ang makakuha ng upuan na walang katabi sa eroplano lalo na sa mahahabang flights.

Pero posible itong mangyari at nakasalalay sa airline at ruta na iyong sasakyan.

Mayroong 4.8 milyong seats ang inaalok sa mga international flights papunta at pabalik sa Australia noong Enero ng taong ito — isang pagtaas sa 35.4 porsyento kumpara sa nakaraang taon, ayon sa pinakabagong ulat ng Department of Transport tungkol sa International Airline Activity, na inilabas noong huling bahagi ng Marso.
Sa kabuuan, 81.5 porsyento ng mga available seats ang nakuha o na-book, na nangangahulugang halos 20 porsyento ang hindi nakuha. Ito ay limang puntos na pagbaba mula Enero ng taong 2023.

Narito ang 10 international routes na may higit sa limang serbisyo kada buwan kung saan may posibilidad na makakuha ng walang katabi sa upuan.

Mga flight na maraming bakanteng upuan

Ang mga flight ng Qantas mula sa Australia patungong Timor-Leste ang mga pinakawalang laman o kaunti ang nag-book sa flight.

Mas mababa sa 32.9 porsyento sa mga flights na iyon ang na-book noong Enero, na nangangahulugang ang mga pasahero sa ruta na iyon ang pinakamalamang na may mga bakanteng upuan sa tabi nila.

Pumangalawa naman ang mga flights ng Beijing Capital Airlines patungong China kung saan may 33 porsyento lamang na nabu-book na seats.

Ang mga pasahero na patungo sa China ay maaari ring maglakbay sa Hainan Airlines (36.7 porsyento), China Eastern Airlines (48.4 porsyento), o Tianjin Airlines (49.5 porsyento) at halos may empty seats o bakanteng upuan.

Pwede ring piliin na maluwag na flights ang mga patungo sa Indonesia sa Citilink Indonesia (36.9 porsyento) at Thailand sa Thai AirAsia X (42.1 porsyento).

Opsyon din sa maluwag na flights ang mga nagnanais na pumunta sa Pacific, ang mga flights patungo sa Solomon Islands sa Solomon Airlines (34.3 porsyento), Vanuatu sa Air Vanuatu (45.2 porsyento), at Western Samoa sa Virgin Australia (47 porsyento).
A table listing the 10 flights most likely to have empty seats
Qantas flights from Australia to Timor-Leste in January were the emptiest. Source: SBS

Mga flight na kaunti ang bakanteng upuan

Mahirap makakakuha ng flight na wala kang katabi sa Air India patungong India, na may serbisyo na umabot sa 93 porsyento ng occupancy noong Enero.

Maging ang mga pasahero sa ilang mga internasyonal na ruta ng Australian national carrier ay may maliit na tsansa na maluwag ang flights.

Ang mga flights ng Qantas patungo sa Pilipinas (92.6 porsyento), South Africa (92.4 porsyento), Canada (90.7 porsyento), Chile (90.2 porsyento), at Fiji (88.2 porsyento) ay isa sa mga pinakapuno noong Enero.

Puno din sa 90 porsyento ang Air Asia X na byaheng New Zealand.

Ang mga flights patungo sa Singapore sa parehong Scoot (89.4 porsyento) at Singapore Airlines (88.2 porsyento) ay may kaunti ring mga bakanteng upuan, gayundin ang mga serbisyo ng Jetstar patungo sa Thailand (88.4 porsyento).
A table listing the 10 flights least likely to have empty seats
Air India flights from Australia to India in January were the fullest. Source: SBS

Ano ang pinaka-popular na travel destination para sa mga Australian?

Kamakailan lamang, ito ay naging pangunahing internasyonal na destinasyon para sa mga Australyano sa unang beses, na naungusan ang New Zealand.

Sa taong 2023, mayroong 1.37 milyong Australyano ang naglakbay patungo sa Indonesia, samantalang 1.26 milyon ang pumunta sa New Zealand, ayon sa datos mula sa Australian Bureau of Statistics (ABS).

Ang New Zealand ay ang pinakapopular na destinasyon mula nang simulan ng ABS ang pagre-record ng datos sa turismo halos 50 taon na ang nakalilipas.

Ang Indonesia ay naging pangalawang pwesto mula noong 2014 matapos nitong lampasan ang Estados Unidos.

Share
Published 8 April 2024 4:44pm
By Amy Hall
Source: SBS


Share this with family and friends