Breaking

Sydney church stabbing: Pulisya, idineklarang ‘terrorist act’ ang insidente at inaresto ang 15-anyos na lalaki

Tinuturing ng NSW Police na isang gawa ng terorista ang naganap na pananaksak sa isang obispo sa Sydney.

File

Police are urging people to avoid Wakeley in Sydney's south-west after several people were injured in a stabbing attack. Source: AAP

Inilarawan ni New South Wales Police Commissioner Karen Webb bilang ‘terror event’ ang naganap umanong stabbing incident o insidente ng pananaksak sa Christ The Good Shepherd Church.

Sa naganap na media briefing Martes ng umaga, sinabi ni Webb na nagdesisyon ang awtoridad na itrato ang insidente na ito bilang "terrorist incident" matapos ang "kunsiderasyon ng lahat ng materyal.”

Sinabi naman ni NSW Premier Chris Minns na “ito ay malaki at seryosong criminal investigation".

"It is crucial that NSW Police are able to devote their resources and intelligence as well as officers to the investigation of this crime." saad nito.

Arestado ang isang lalaki na 15-anyos noong Lunes ng gabi matapos ang umano’y stabbing incidente sa Orthodox Assyrian church sa western Sydney na nagdulot ng galit na mga tao habang kinokompronta ang pulis.

Nagkataon pang naka-broadcast ng livestream ang church service at napanood ang umano’y pananaksak kay Bishop Mar Mari Emmanuel sa simbahan sa Wakeley.

"Those violent pictures are probably what caused the uproar in the community - people saw that, responded and unfortunately we ended up with a public order incident," sinabi ni NSW acting Assistant Commissioner Andrew Holland sa mga mamahayag.

Isang tao ang nakasuot ng itim ang nakitang lumapit at pinagsasaksak ang obispo ng ilang beses sa ulo at katawan sa mismong altar at nagsigawan ang mga parokyano at ang ilan at tumakbo para tulungan ang obispo.
A bishop holding a sermon in a church
The suspect is "known to police" and not a regular attendee at the church. Source: Supplied / YouTube
“Kilala ng pulisya” ang suspek ayon kay Holland at hindi regular na dumadalo sa nasabing simbahn.

Ayon kay Minns, nakakabahala ang nangyari pero hinihikayat nito na maging kalmado. Dagdag nitong nakipagpulong na siya sa mga faith leaders na kumakatawan sa mga religious communities sa western Sydney noong Lunes ng gabi.

Wika nito na “they endorsed and supported a unanimous condemnation of violence in any form, called for the community to follow first responder and police instructions and called for calm in the community".

"We're calling on everyone to act with kindness and respect for each other.”

Ayon naman sa NSW Ambulance, tinawagan sila ng simbahan bandang alas 7.15 ng gabi at nagpadala ng maraming paramedics.

Sinabi ng NSW Police na may dalawang clergyman ang dinala sa ospital.

Nasa maayos na kondisyon na ngayon si Bishop Emmanuel at ang isang pari ayon sa simbahan habang umaapela din ng maging kalmado ang lahat.

"We ask for your prayers at this time," bahagi ng pahayag ng nasabing simbahan sa kanilang social media.

"We also kindly ask anyone at the church to leave in peace as our Lord and Saviour, Jesus Christ, teaches us."
Church stabbing
Source: Supplied / Facebook
Patuloy na dumadami ang mga tao sa labas ng simbahan at nagkaroon na “public order incident na nangangailangan ng pulisya mula sa buong rehiyon ng Sydney.

Sinabi ni Holland na may 100 pulis at 30 sasakayan ng pulis ang rumesponde hanggang sa nakuha na ang suspek sa loob ng simbahan.

Dalawang pulis ang dinala sa ospital matapos na masugatan ng ilang tao na kumukuyog sa pulis ang naghagis ng kung ano-anong madampot na pinagkukuha sa iba’t ibang bahay.

Maraming sasakyan ng pulisya ang nasira.

Ilang grupo pa ang naghagis ng ilang gamit sa simbahan upang makalapit sa suspek ayon kay Holland.

"They need to let police do their jobs and let us do the investigation," dagdag nito.

"Police will make arrests in the future in relation to this public order incident," Holland said.

Ang balita na ito ay nagpapatuloy at ang artikulo na ito ay ia-update.

Share
Published 15 April 2024 9:30pm
Updated 16 April 2024 9:49am
By Amy Hall
Source: SBS


Share this with family and friends