Key Points
- May pantay-pantay na karapatan sa Australia kahit anuman ang kasarian.
- Maaring magpakasal sa Australia ang same-sex couple at kinikilala din ang de facto relationship.
- Dapat mapatunayan ang apat na aspeto ng relasyon na financial, household, social, at commitment sa mga dokumento isusumite ng aplikante ng partner visa sa Australia.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Sa panayam ng SBS Filipino sa isang Registered Migration Agent na si Em Tanag, ibinahagi nito na pantay ang turing ng Australia sa mga heterosexual at same-sex couples pagdating sa pagproseso ng visa.
You are treated the same and Australia is very fair whether you are a heterosexual or same-sex couple.Registered Migration Agent Em Tanag
Bridges Immigration Law Solutions Registered Migration Agent Em Tanag
“Ang importante ay ang documentation ninyo na may strong evidence na ang relasyon ninyo ay genuine at continuing.”
Idinetalye pa ni Ms Em Tanag ang ilan pang pagbabago sa podcast na ito:
PAKINGGAN ANG PODCAST:
Ano ang mga Australian visa option para sa mga same-sex couple?
SBS Filipino
21/02/202410:34
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent sa Australia.