‘Akala ko di pwede kasi maliit ako:’ Pinay, ibinahagi ang karanasan sa pagiging pulis sa Victoria

a.png

First Constable Roma Concepcion shares her journey in Victoria Police and emphasises how representation matters in the police force. Credit: Victoria Police

Sa episode na ito ng Trabaho, Visa, atbp., ating aalamin ang mga benepisyo at hamon ng pagiging pulis sa Australia gayundin ang proseso ng aplikasyon sa Victoria Police.


Key Points
  • Sa kasalukuyan, aabot sa 25 ang mga Police Officers sa Victoria na may dugong Pinoy gayundin ang ilang staff.
  • Karaniwang maling akala ng ilang Pilipino sa Australia na may height requirement at upper age limit ang aplikasyon sa Victoria Police pero nilinaw ito ng Recruitment Officer.
  • Malaking bagay sa Victoria Police ang inclusivity at diversity kaya hinihikayat ang mga aplikante na may multicultural background.
“Akala ko hindi ako mag-apply kasi medyo maliit ako, payat at Filipino.”

Aminado si First Constable Roma Concepcion ng Victoria Police na ito ang kanyang maling akala sa pagnanais noon maging pulis sa Australia.

Sa panayam ng SBS Filipino, ibinahagi nito kahit 5’5" lang ang kanyang height at payat ang pangangatawan noon, nagkaroon siya ng kumpyansa sa aplikasyon na maging bahagi ng pulisya.

“Nag-attend ako ng information session dahil ang Victoria Police nagho-host ng events sa mga gustong mag-apply so dito ako nagtanong nang nagtanong,” saad nito.
roma1.jpg
SBS Filipino interviews Filipino-Australian police First Constable Roma Concepcion.

Ano ang mga eligilibity sa aplikasyon?

Noong naging Australian Citizen na si First Constable Concepcion, sinimulan na niya ang pag paghahanda sa pisikal at mental na aspeto.

“Sabi nila kahit hindi ka matangkad, okay lang pero kailangan mo ng mag-strength at mag-exerice. Kumuha ako ng personal trainer para sa running, grip test, push-ups at swimming.”

Ayon sa Culturally and Linguistically Diverse Portfolio Officer ng Victoria Police na si John Chau, karaniwang may maling pananaw sa ilang komunidad sa mga
There’s a misconception within the community because we have already abolished the height requirement, upper age limit and BMI or body mass index.
John Chau, Victoria Police Culturally and Linguistically Diverse Portfolio Officer
"As long as you keep fit during the application process, you will be okay,” paliwanag ni John Chau.

Dagdag nito na kailangan na 18 taong gulang pataas na may Australian Drivers License. Australian Citizen o Permanent Resident at may Level 1 First Aid Certificate with CPR.

Wala ding education requirements o specific pre-requisite subject at hindi rin kailangan ng Australian Tertiary Admissions Rank (ATAR).

“The applicants also need to declare any associations. It is important that Victoria Police are aware of any association or potential conflict of interest. This is because they may compromise you or reflect negatively on the organisation as a whole.”

Ibinida CALD Portfolio Officer ang mga benepisyo gaya ng siyam na linggong annual leave, tumataas na superannuation, at iba pa.

Diversity at representation sa pulisya

Pinapahalagahan anila ang diversity sa kanilang hanay na siyang nagustuhan ni First Constable Concepcion.
Wala akong naranasan na diskriminasyon at nung nalaman nila na lesbian ako, may alok pa silang maging LGBTIQA+ Liaison Officers (LLO) ako.
First Constable Roma Concepcion
Sa kasalukuyan, aabot sa 25 ang mga na may dugong Pinoy gayundin at nais ni First Constable Concepcion na mas dumami pa ang bilang na ito dahil mahalaga anya ang representasyon sa pwersa ng pulisya.

“Nung nalaman nila na nakakapagsalita ako ng Tagalog, humihingi pa sila ng tulong sa translation. Nagagamit ko yung wika at kultura para makatulong sa ibang tao.”

Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
PAKINGGAN ANG PODCAST:
vic police roma image

‘Akala ko di pwede kasi maliit ako:’ Pinay, ibinahagi ang karanasan sa pagiging pulis sa Victoria

SBS Filipino

08/02/202413:19

Share