Ramadan at Eid: Paano nga ba ipinagdiriwang sa Australia?

Lantern With Moon Symbol And Mosque Shape Background. Ramadan Kareem And Islamic New Year Concept.

What are Ramadan and Eid and how are they celebrated in Australia?Play10:34 Credit: Songyuth Unkong / EyeEm/Getty Images

Get the SBS Audio app

Other ways to listen

Sa pag-obserba ng mga Muslim sa Australia at sa buong mundo ng Ramadan, isang buwanang panahon ng debosyon at pag-aayuno, sa episode na ito, tatalakayin natin ang relihiyosong kahalagahan ng banal na buwan na ito.


Key Points
  • Ang Ramadan ay ang pinakabanal na buwan sa Islam kung saan nag-aayuno ang mga Muslim na nasa tamang edad mula sa madaling araw hanggang sa paglubog ng araw.
  • Ang Eid al-Fitr ay tatlong-araw na pagdiriwang ng katapusan ng banal na buwan ng pag-aayuno.
  • Ang mga Muslim na Australyano ay nagdadala ng kanilang natatanging cultural practices sa pagdiriwang ng Eid.
Ang Australia ay isang multikultural na bansa na may mahalagang bilang ng mga Muslim na populasyon.

Ang pag-unawa at pagpapahalaga sa relihiyon at kultura ng bawat isa ay mahalaga para sa isang magkasamang multikultural na lipunan.

Sa buong mundo, kasama na rin sa Australia, sinusunod ng mga Muslim ang banal na buwan ng Ramadan. Ang buwang ito ng pagsamba at pag-aayuno ay isang mahalagang aspeto ng kanilang Islamic faith at culture.

Man praying in the sunset (Pixabay).jpg
The Islamic Hijri calendar, is based on the cycles of the moon around the Earth. Credit: Pixabay

Ano ang Ramadan?

Ang Ramadan ay ang ika-siyam na buwan ng Islamic lunar calendar, kung saan nag-aayuno ang mga mananampalataya ng Islam o Muslim na nasa tamang edad na may maayos na pangangatawan simula madaling araw hanggang sa paglubog nito

Ayon kay Professor Zuleyha Keskin ang Associate Head of the

Sinasabi niya na ang mga Muslim sa panahong ito ay nakakaranas ng malaking proseso para matuto, ma-develop at madisiplina.
Ang Ramadan ay itinuturing na pinakabanal na buwan ng taon para sa mga Muslim at ito ay nagiging isang napakahalagang buwan dahil dito.
Professor Zuleyha Keskin, Associate Head of the Centre for Islamic Studies and Civilisation at Charles Stuart University, Melbourne.
, na kilala rin bilang Hijri calendar, ay batay sa lunar cycle.

Dahil dito ang mga petsa para sa mga Islamic na okayson ay nag-iiba, at ang kalendaryo ay mga sampu hanggang labing dalawang araw na mas maikli kaysa sa solar year.

Kaya ibig sabihin nito, ang simula ng Ramadan ay nag-iiba kada taon.

Fasting
A meal with loved ones during Ramadan Source: Getty / Getty Images Jasmin Merdan

Bakit kinakailangang mag-aayuno ang mga Muslim?

Sa banal na buwan ng Ramadan, kinakailangan na ang mga Muslim ay mag-abstain o tumigil mula sa paninigarilyo, pakikipagtalik, maging agresibo o madaling magalit o kayay umiwas sa mga pakikipagtalo habang nag-aayuno.

Bawal din ang paggawa ng anumang mga imoral na gawain.

Sa halip ay hinihikayat ito na dagdagan ang mga gawain ng pagsamba tulad ng mga panalangin, pagbasa at pag-unawa sa Quran, at paggawa ng mga gawaing pangkawang-gawa.

Sa pagtatapos ng fasting maraming Muslim ang pumupunta sa moske para sa .

Ang Ramadana ay may higit pang kahulugan sa pagbabawal nag pagkain o pa-inom, ayon kay Professor Karima Laachir ang Direktor ng .

"Sa napakahalagang paraan, ito ay isang buwan ng spirituality, ito ay isang buwan na inilaan para makabalik sa kanyang Pananampalataya, sa Diyos," paliwanag ni Propesor Laachir.

Ito rin ay higit pa sa paraan ng pananampalataya at isang religious obligation, dahil sabi ni Professor Laachir may ito sa mga tao.

"Sa pisikal na aspeto, napakalakas ang epekto nito sa kalusugan dahil ito ay nagreregulate ng metabolismo ng katawan, ito ay naglilinis ng katawan mula sa anumang uri ng toxicidad. Kaya't ito ay napatunayang napakalusog na proseso at alam natin...tungkol sa intermittent fasting at kung gaano ito kahalaga para sa katawan," paliwanag niya.
Shot of a young muslim woman pouring drinks for her family
A meal with loved ones during Ramadan. Source: iStockphoto / PeopleImages/Getty Images/iStockphoto

Ano ang Eid?

Pagkatapos ng isang buwan ng pag-aayuno, nagdiriwang ang mga Muslim ng Eid.

Ang Eid sa isang salitang Arabic ay nangangahulugang 'pista' o 'kapistahan'.

May dalawang pangunahing Eid sa Islamic calendar - ang Eid al-Fitr at Eid al-Adha.

Ayon kay Dr. Zuleyha Keskin Centre for Islamic Studies and Civilisation, Charles Stuart University , ang Eid al-Fitr, na kilala rin bilang ang 'Smaller Eid', ay tatlong-araw na pagdiriwang ng mga nakapagtapos sa pag-aayuno.

"Ang Eid al-Fitr ay isang pagkakataon upang ipagdiwang ang mga natamo sa panahon ng buwan ng Ramadan," dagdag ni - Dr Zuleyha Keskin.

Dagdag nito sa pagyakap ng Eid, kinakailangan din sa mga Muslim na magbigay ng limos, na kilala bilang Zakat al-Fitr, upang ang mga mahihirap ay makapagdiwang rin.

Sinabi ni Propesor Laachir, ang Eid al-Fitr ay isang pagdiriwang ng "pagkakaisa at pagpapatawad" dahil binubuhay nito ang pakikipagkapwa at hinihikayat ang mga Muslim na humingi ng kapatawaran.

Bukod dito, ito'y nagbibigay ng magandang pagkakataon para sa mga bata na mag-enjoy, makipagkaibigan, at maunawaan ang kultura.

Ang pagbili ng bagong damit, lalo na para sa mga bata, paglilinis ng mga tahanan, at paghahanda ng mga espesyal na kakanin at putahe ay malaking bahagi ng paghahanda para sa Eid.

Ang Eid al-Adha, na kilala rin bilang 'Eid of Sacrifice' o 'Mas Malaking Eid,' ay sumusunod pagkatapos ng taunang Hajj pilgrimage at ipinagdiriwang ang kagustuhang ialay ni Abraham ang kanyang anak na si Ishmael alinsunod sa utos ng Diyos.
Tradicionalni muslimanski roditelji i njihova djeca dijele lepinju tokom iftara u Ramazanu
In most Islamic countries, Eid al-Fitr is a public holiday. Source: iStockphoto / Drazen Zigic/Getty Images/iStockphoto

Paano ipinagdiriwang ng mga Australyanong Muslim ang Eid?

Ang mga pagdiriwang ng Eid ay nagsisimula sa espesyal na mga dasal sa umaga. Sa karamihan ng mga bansang Islamiko, ang Eid al-Fitr at Eid al-Adha ay mga pampublikong bakasyon.

Ginanap ang mga panalanging komunal sa mga lokal na moske at community centers, at binabati ng mga tao ang isa't isa ng 'Eid Mubarak', na nangangahulugang 'Mapalad na Eid'.

Ang mga pamilya at mga kaibigan ay nagbibisita rin sa isa't isa, at ang mga pagtitipon ng komunidad ay karaniwan sa panahon ng Eid.

"Isang malaking pagdiriwang ito ng pamilya kung saan lahat ay nagbibisita sa bawat isa, at sila'y nagsasaya sa loob ng tatlong araw ng pagdiriwang ng Eid al-Fitr sa mga handaan at pagkain, espesyal na mga kakanin at putahe," dagdag ni Propesor Laachir.

Gayunpaman, ang mga Muslim na Australyano ay nagmumula sa maraming bansa na may kakaibang mga kasanayan sa kultura at ang mga pagdiriwang ay nag-iiba.

Si Ali Awan ay isang Pakistan-Australian na laging abala tuwing Eid al-Fitr taun-taon. Siya ang nag-oorganisa ng isa sa pinakamalaking multicultural Eid festivals sa Australia.
EID AL FITR  SYDNEY
Members of the muslim community celebrate Eid al-Fitr, marking the end of the month-long fast of Ramadan with prayer at Lakemba Mosque in Sydney, Wednesday, June 5, 2019. Numbers were down due to the bad weather with only a handful of worshippers forced to take prayer outside the mosque. (AAP Image/Dean Lewins) NO ARCHIVING - Source: AAP / DEAN LEWINS/AAPIMAGE
Sinabi niya na may "malalaking" pagkakaiba-iba sa kultura sa pagitan ng mga Muslim mula sa iba't ibang background. Ang kanyang trabaho bilang namumuno ng Australian Multicultural Eid Festival ay upang pagsamahin silang lahat sa isang lugar.

"May ilan na nagluluto ng iba't ibang pagkain, at may iba't ibang mga kasuotan silang isinusuot sa araw ng Eid. At pagdating sa pagdiriwang, maaari itong may kinalaman sa ilang mga aktibidad, ilang mga performance, ilang paraan ng pagtuklas, at lahat ng mga ito," paliwanag ni Awan.
Sa panahon ng Eid festival, sinusubukan naming pag-isahin lahat ng iba't ibang performances, iba't ibang kultura sa isang lugar at iyan ang kagandahan ng Australia.
Ali Awan, Australian Multicultural Eid Festival
Sumasang-ayon si Propesor Laachir, na sinasabi na ang mga pagdiriwang ng Eid sa Australia ay mas kakaiba at makapangyarihan kaysa sa maraming Islamic countries.

"Ang maganda sa komunidad ng Muslim sa Australia ay ang karamihan ng mga pagdiriwang ay nangyayari sa mga community center at lokal na mga moske, na kadalasang nagbubuklod sa lahat ng mga komunidad na ito, mula sa iba't ibang pinagmulan."

Share