Pagbabago sa pagkonsumo ng alak at pagkain ng mga Pinoy

Selfie portrait of friends in cafe

'If your thinking of having a drink, Filipinos usually equate it with an occasion, to celebrate or maybe to drown their frustrations or sorrows. Rarely do Filipinos consume an alcoholic beverage with a meal.' Siegfrid Bacani, Filipino-Australian wine maker Credit: DragonImages / Envato

Nitong mga nakraang buwan nasaksihan sa Austalya, partikular sa Melbourne ang mga nagiibang anyo ng lutuin Pilipino; mga panibagong pag-hain sa mga lutuing nakagisnan natin sa Pilipinas.


Ang mga pagsisikap na ito'y bunga ng kagustuhang maihain at matikman ng mga di Pilipino at lumawak ang paghain ng lutuing PInoy sa hapag kainan ng ibang mga kultura at lahi.

Sa panayam kay Siggy Bacani, isang wine maker kanyang binagi ang ilang mga bagay bagay na nagbigay daan sa paglawak sa panlasa at food pairing sa inumin at lutuing Pinoy.

Panulak matapos kumain

Sa isang pagaaral na isinagawa ng Filipino- Australia wine producer Siggy Bacani nakumpirma na ang inumin ay ginagamit lamang panulak matapos kumain.

Napag alaman din sa isinagawang pagsasaliksik ni Bacani na kadalasa'y iniuugnay ng mga Pinoy ang pag konsumo ng alak sa isang selebrasyon o di kaya kung gusto makalimot o lunurin ang kalungkutan.

‘Nakita na ang inumin o tubig ay iniinom lamang bago kumain o di kaya’y matapos ang pagkain’ ani Bacani ‘yung kompaniya ng beer noong 1960s ay nagsagawa ng kampaniya na hikayatin kumain ng pika pika o pulutan ang mga Pilipino habang umiinom ng beer’.

Sa hapag kainan ng mga Pilipino bihira i-pares ang alak sa pagakin ng kanin at ulam, kadalasan ang ka-pares ng beer o alak na pagkain ay pika-pika o pang pulutan lamang.

Ngunit ayon kay Bacani, bunga ng paglawak ng karanasan ng mga Pilipino sa pamumuhay sa ibang bansa unti-unti na din nababago ang pamamaraan ng pag konsumo ng beer. 'Sa mga mas nakababata, mas adventurous sila kaya nabubuksan ang kanilang mga panlasa sa bagong lasa at pamamaraan ng pagkonsumo.'


Share