Nagbabala ang mga dalubhasa na mas maging maingat sa loob at labas ng bahay upang maiwasan ang mga problema sa kalusugan na nauugnay sa init ng panahon.
Maaaring nalampasan ng Australia ang pinakamainit na naitalang summer nito, ngunit inaasahan ng pinuno ng operational climate services ng Bureau of Meteorology na si Dr Andrew Watkins, na sa kabila ng mas malamig na panahon ng La Niña, makakaranas pa rin tayo ng mga heatwaves nitong tag-init.
Mga highlight
- Ipinapakita ng mga siyentipikong pag-aaral na mas maraming Australyano ang namamatay sa mga kaganapan ng matinding init kaysa sa anumang iba pang mga natural na sakuna.
- Tinataya ng BOM ang mas matagal na mahalumigmig na tag-init na maaaring maging sanhi ng malubhang mga problema sa kalusugan.
- Ipinapakita ng mga tala mula sa emergency department ng Victoria ay kalahati ng mga nagpapatingin sa ospital para sa pagkasunog sa araw sa taong 2018-19 ay mga bata.